Wednesday, September 23, 2015


April 3, 2015

       Ito ang linggo kung saan nagdiriwang ang bayan ng Paete Laguna ng kanilang Mahal na Araw. Dito sa prusisyon iba't ibang magaganda ukit na santo ang iyong makikita dahil narin sa pagkakakilala ng Paete na bayan ng mga manguukit. Ipinapakita dito sa prusisyon mula pagkabuhay ni Kristo and kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay niya. Datapwat ang pinaka inaabangan dito sa prusisyon ay ang pagbuhat kay Kristo noong siya ay namatay. Tinatawag nila itong Señor. Hindi ko rin alam kung bakit Señor ang tinatawag nila dito pero ang aking alam ay nakakabighani ang kagandahan ng pagkakaukit sa Señor. Makikita ninyo sa aking video na pinalabas ay maraming bumubuhat sa Señor marami din ang umaalalay sa mga nagbubuhat. Ang pagbubuhat ng Señor ay isang panata. Dahil hindi lang ito ginagawa ng isang beses ito ay kada-taon ginaganap. May kanya kanyang panalangin ang bawat bumubuhat kapalit nito ay angkanilang hirap at pagbuwis ng kanilang sarili.

       Ang aking katarungan na napamahagi sa mga bumubuhat ay ang pagbigay namin ng tubig sa mga namamanata. Kahit hindi namin sila kakilala, kahit na hindi namin sila kaibigan binibigyan padin namin sila ng tubig, pang mapawi man lang ang kanilang uhaw sa pagbubuhat sa Mahal na Señor. Kahit na maliit lang ang aking naitulong. Para sakanila ay malaking tulong ang tubig sa kanilang pagkauhaw.

       Katulad ng isang kwento sa bibliya na may pamagat na "Ang Mabait na Samaritano" kahit na hindi niya kakilala ay tinulungan niya ang taong nangangailangan ng tulong. Ganun din ang aming ginawa kahit na hindi namin sila kakilala kung sila ay nauuhaw at gusto makainom ng tubig amin itong binibigyan.